DISKRIMINASYON LABAN SA MGA KABABAIHAN...
Ito ay isang karaniwang isyu na hinaharap karamihan sa mga babae ngayon. Sa
mga mata ng lipunan ay karaniwang tinatanaw nila ang mga babae bilang isang
mahinhin, hindi malakas at para lamang sa mga gawaing pambahay. Marami sa mga
babae ay nakaranas ng pag-aabuso na siyang nagdudulot ng kahihiyan at sa
pagkawala ng dignidad ng isang babae. Marami na din mga isyu kung saan ang
babae ay may mas mababa na sahod sa trabaho kaysa sa mga lalaki sa halip na
parehas lamang ang kanilang pagsisilbi sa kanilang trabaho. Ito ba tagalaga ang
wastong pagtrato ng isang babae? Isa sa nakaranas nito ay si Megan, isang ina
na may dalwang anak, siya ay nakaranas ng matinding paghihirap dahil sa kanyang
trabaho na may maliit lamang na sahod kahit na nag-oovertime na siya sa kanyang
trabaho. Malaki ang kanyang paghihinagpit sa kanyang tagapag-empleyo dahil ang oras
na ginnugugol sa kanyang trabaho ay parehas lamang sa mga lalaki sa kanilang
kompanya. Sa buong mundo, hindi lang si Megan ang nag-iisa ngunit may marami
pang mga babae na nakaranas ng diskriminasyon sa trabaho. Isa pa dito ay ang
pag-aabuso ng mga lalaki sa babae kung saan ginagamit lamang nila ang babae
para sa kanilang seksuwal na pagnanasa. Napaka lungkot isipin na ang pagmamahal
at pagrerespeto sa babae ay nawala na dahil napapalitan na ito ng malagwa na
pagnanasa.
No comments:
Post a Comment