Thursday, February 22, 2018

Diskriminasyon

MABABANG PAGPAPAHALAGA SA SARILI, GALIT AT KALUNGKUTAN...

   Ang  nadama sa karamihan na nagdudulot ng malaking paghihinagpit sa buhay ng tao. Sa isang tingin lang sa mga tao ay madadama na ang diskriminasyon na lumaganap sa ating bansa. Mula sa ulo hanggang sa paa ay hinuhusgahan na ang bawat kilos at pagaanyo ng isang tao. Kahit sa isang hindi magandang salita na binitawan ay tumutatak na ito sa puso ng tao na siyang nagwawasak sa dignidad at sa pagkatao. Ayaw man aminin sa karamihan na ito’y kanilang nagawa sa kanilang kapwa tao ngunit makikita natin ang epekto nito sa mga kasalakuyang pangyayari na kung saan maraming tao ang nagdudurusa dahil sa diskriminasyon.



Wednesday, February 21, 2018

Diskriminasyon Laban Sa Mga Kababaihan


DISKRIMINASYON LABAN SA MGA KABABAIHAN...

   Ito ay isang karaniwang isyu na  hinaharap karamihan sa mga babae ngayon. Sa mga mata ng lipunan ay karaniwang tinatanaw nila ang mga babae bilang isang mahinhin, hindi malakas at para lamang sa mga gawaing pambahay. Marami sa mga babae ay nakaranas ng pag-aabuso na siyang nagdudulot ng kahihiyan at sa pagkawala ng dignidad ng isang babae. Marami na din mga isyu kung saan ang babae ay may mas mababa na sahod sa trabaho kaysa sa mga lalaki sa halip na parehas lamang ang kanilang pagsisilbi sa kanilang trabaho. Ito ba tagalaga ang wastong pagtrato ng isang babae? Isa sa nakaranas nito ay si Megan, isang ina na may dalwang anak, siya ay nakaranas ng matinding paghihirap dahil sa kanyang trabaho na may maliit lamang na sahod kahit na nag-oovertime na siya sa kanyang trabaho. Malaki ang kanyang paghihinagpit sa kanyang tagapag-empleyo dahil ang oras na ginnugugol sa kanyang trabaho ay parehas lamang sa mga lalaki sa kanilang kompanya. Sa buong mundo, hindi lang si Megan ang nag-iisa ngunit may marami pang mga babae na nakaranas ng diskriminasyon sa trabaho. Isa pa dito ay ang pag-aabuso ng mga lalaki sa babae kung saan ginagamit lamang nila ang babae para sa kanilang seksuwal na pagnanasa. Napaka lungkot isipin na ang pagmamahal at pagrerespeto sa babae ay nawala na dahil napapalitan na ito ng malagwa na pagnanasa.


Tuesday, February 20, 2018

Diskriminasyon Sa Mga Matatanda


Nasusukat ba sa edad ang kakayahan ng isang tao?

  Napakasaklap na mararanasan ng isang matanda or may edad na ang paghihinakit sa mga tao. Hindi madali sa mga matatanda na sila’y huhusgahan na parang wala na lang silang silbi sa lipunan. Kung tutuusin natin lahat naman tayo ay magiging matanda, gusto ba natin yan mararanasan kapag tao’y maging matanda na? Sa halip ng kanilang kahinaan o kabagalan ay nagpoporsigi pa din sila tumatrabaho para lamang sa kanilang pamilya kaysa sa karamihan sa kabataan ngayon na mas pipiliin pa magtamad at walang plano sa buhay. Karamihan sa mga kabataan ngayon ay pinagtatawanan lamang yung mga matatandang nahihirapan sa kanilang ginagawa kaysa sa tulungan nila. Masisilayan natin sa kalsda na may mga matatanda na nagwawalis sa mga dumi o basura sa halip ng mainit na araw ngunit ni isa sa naglalakbay o dumadaan ay nagbibigay tulung sa mga matatandang ito. Itatak po natin sa ating mga puso sa mga pagsisikap na kanilang ginawa at sana huwag natin kalimutan na bigyan sila ng malaking respeto.

Sunday, February 18, 2018

Diskriminasyon Sa Mga Mahihirap


   Lahat tayo ay may karaniwang buhay hindi lahat ay mayaman o mahirap. Ngunit sa sitwasyon ng mga mahihirap ay napakahirap sa kanila mabuhay sa lipunan na puno ng diskriminasyon. Mula pagkabata hanggang sa pagkalaki ay nararanasan nila ang paghihinagpit sa buhat at gaano ka hirap mabuhay na may maraming panghuhusgang tao.



   Sa paaralan makikita natin ang iba’t ibang anyo at ugali ng mga estudyante. And mga estudyante ay hinahangaan yung mga batang mayaman, magadan or kaya’t matalino ngunit napakababa ang tingin nila sa mga batang mahirap lamang. “Wah ang pangit mo!” o “Ang laswa naman nang damit mo!” o kundi “Bakit ang baho mo?” yan ang mga halimbawa sa mga salita na masasakit na ginagamit ng mga estudyante upang ipapahiya ang mga batang mahihirap. Sa malit na edad marunong na silang mang tukso at gumagamit ng mga salita na nakakasakit sa damdamin ng isang tao. At may mga guro din na ipinapakita o ipinadama nila na yung mga mahihirap na estudyante ay walang silbi sa kanilang klase kung kaya’t nawawalan na ng gana ang bata para pumunta sa paaralan. Maraming mga batang naaaksaya ang kanilang talino at mga kakayahan dahil hindi sila binigyan ng pagkakataon na ipapakita ang kanilang galing sa lipunan.

   Sa paglaki ng mga batang ito nakatatak na sa kanilang ugali ang pagbaba sa kanilang tingin sa mahihirap. Hanggang sa paglaki nila dinadala nila ito sa trabaho kung kaya’t karamihan sa mga kompanya o ang mga tagapag-empleyo ay kadalasang hindi tumutanggap ng mga mahihirap dahil sa kanila mentalidad na wala silang pinag-aaralan kaya wala silang alam sa mundo o kung kaya’t sila ba ay magnanakaw. Napakalungkot isipin na kaysa sa tulungan natin ang mga mahihirap na tao mas pinili pa natin itaboy sila na parang isang hayop lamang...

Saturday, February 17, 2018

Ito'y Itigil Na Natin...


   
Diskriminasyon Laban Sa Ating Kapwa Tao. Ito’y dapat natin itigil huwag natin hayaan na marami pang tao ang magdudurusa...

   Sa ating lipunan, karamihan sa mga tao ngayon ay hindi na marunong mabigay respeto at halaga sa kanilang kapwa tao. Minamaliit nila ang mga taong naiiba sa kanila o ang mga mas mababa ang antas sa lipunan. Isa na dito ang diskriminasyon sa kababaihan kung saan hindi pantay ang kanilang paningin sa mga babae dahil para sa kanila ang mga babae ay mahina. Ngunit paano natin masasabi na ang babae ay mahina na kung kahit sa kabila ng lahat ng  pag-aabuso na kanilang nararanasan ay kinaya pa rin nila mabuhay at patunayan na sila rin ay may malayong marating sa buhay? Dapat natin huwag husgahan ang pisikal na anyo ng isang tao dahil hindi sa lahat ng panahon na ito ang nagbibigay lakas sa isang tao. Minsan nasusukat din ang pagkakalakas ng isang tao kung matibay ang kanilang puso na hindi madaling mawawasak sa kabila ng lahat ng mga masasakit at mapapait na karanasan. Sa mga matatanda at mga mahihirap naman ay walang tayong karapatan na ipagmaliit sila dahil sila rin ay nagporsigi para mabigyan ng sapat na pagkain at mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Kung tatanawin natin karamihan sa kanila yung nagtatrabaho para sa ating lipunan ngunit ganito lang ang ating pagtrato sa kanila? Huwag po sana tayong mag estereotipo na nagbabase lamang tayo sa kung ano ang nakikita natin dapat natin unawaan ang kanilang sitwasyon at bigyan sila ng pagkakataon na ipapapkita ang kanilang kakayahan sa lipunan. Bigyan natin sila ng opportunidad na magsilbi sa ating lipunan at magbigay tayo ng respeto dahil sa kabila ng kanilang sitwasyon handa silang nagsasakripisyo para sa kanilang hinaharap at pamilya.

   Marami ng batas na itinupad ng gobyerno upang protektahan ang mga taong nakaranas ng diskriminasyon. Ang Anti- Discrimination Act of 2011 ang nabibigay ng proteksyon sa mga taong ito dahil ang layunin ng batas na ito ay bigyan ng hustisya yung mg atong minamaliit base sa kanilang anyo, sexualidad, edad at ang antas sa lipunan. Bilang isang mamamayan at kapwa tao dapat natin ito susundin hindi dahil ito ay naging batas ngunit dapat nakakakubli sa ating puso ang pagmamalasakit at pagmamahal sa ating kapwa tao. Ang paglalaban para sa mga taong ito kung sila’y minamaliit o sinasaktan ay nagbibigay ng matinding inspirasyon sa lahat ng tao na sa ating lipunan lahat tayo ay may karapatan at pantay-pantay ang pagtrato natin sa bawa’t isa.





Links:


Diskriminasyon

MABABANG PAGPAPAHALAGA SA SARILI, GALIT AT KALUNGKUTAN...    Ang  nadama sa karamihan na nagdudulot ng malaking paghihinagpit sa buhay n...