Lahat tayo ay may karaniwang buhay hindi lahat ay mayaman o
mahirap. Ngunit sa sitwasyon ng mga mahihirap ay napakahirap sa kanila mabuhay
sa lipunan na puno ng diskriminasyon. Mula pagkabata hanggang sa pagkalaki ay
nararanasan nila ang paghihinagpit sa buhat at gaano ka hirap mabuhay na may
maraming panghuhusgang tao.
Sa paaralan makikita natin ang iba’t ibang anyo at ugali ng
mga estudyante. And mga estudyante ay hinahangaan yung mga batang mayaman,
magadan or kaya’t matalino ngunit napakababa ang tingin nila sa mga batang
mahirap lamang. “Wah ang pangit mo!” o “Ang laswa naman nang damit mo!” o kundi
“Bakit ang baho mo?” yan ang mga halimbawa sa mga salita na masasakit na
ginagamit ng mga estudyante upang ipapahiya ang mga batang mahihirap. Sa malit
na edad marunong na silang mang tukso at gumagamit ng mga salita na nakakasakit
sa damdamin ng isang tao. At may mga guro din na ipinapakita o ipinadama nila
na yung mga mahihirap na estudyante ay walang silbi sa kanilang klase kung kaya’t
nawawalan na ng gana ang bata para pumunta sa paaralan. Maraming mga batang
naaaksaya ang kanilang talino at mga kakayahan dahil hindi sila binigyan ng
pagkakataon na ipapakita ang kanilang galing sa lipunan.
Sa paglaki ng mga batang ito nakatatak na sa kanilang ugali
ang pagbaba sa kanilang tingin sa mahihirap. Hanggang sa paglaki nila dinadala
nila ito sa trabaho kung kaya’t karamihan sa mga kompanya o ang mga
tagapag-empleyo ay kadalasang hindi tumutanggap ng mga mahihirap dahil sa
kanila mentalidad na wala silang pinag-aaralan kaya wala silang alam sa mundo o
kung kaya’t sila ba ay magnanakaw. Napakalungkot isipin na kaysa sa tulungan
natin ang mga mahihirap na tao mas pinili pa natin itaboy sila na parang isang
hayop lamang...
No comments:
Post a Comment