Nasusukat ba sa edad ang kakayahan ng isang tao?
Napakasaklap na mararanasan ng isang matanda or may edad na
ang paghihinakit sa mga tao. Hindi madali sa mga matatanda na sila’y huhusgahan
na parang wala na lang silang silbi sa lipunan. Kung tutuusin natin lahat naman
tayo ay magiging matanda, gusto ba natin yan mararanasan kapag tao’y maging
matanda na? Sa halip ng kanilang kahinaan o kabagalan ay nagpoporsigi pa din
sila tumatrabaho para lamang sa kanilang pamilya kaysa sa karamihan sa kabataan
ngayon na mas pipiliin pa magtamad at walang plano sa buhay. Karamihan sa mga
kabataan ngayon ay pinagtatawanan lamang yung mga matatandang nahihirapan sa
kanilang ginagawa kaysa sa tulungan nila. Masisilayan natin sa kalsda na may
mga matatanda na nagwawalis sa mga dumi o basura sa halip ng mainit na araw
ngunit ni isa sa naglalakbay o dumadaan ay nagbibigay tulung sa mga matatandang
ito. Itatak po natin sa ating mga puso sa mga pagsisikap na kanilang ginawa at
sana huwag natin kalimutan na bigyan sila ng malaking respeto.
No comments:
Post a Comment