Diskriminasyon Laban Sa Ating Kapwa Tao. Ito’y dapat natin itigil
huwag natin hayaan na marami pang tao ang magdudurusa...
Sa ating lipunan, karamihan sa mga tao ngayon ay hindi na
marunong mabigay respeto at halaga sa kanilang kapwa tao. Minamaliit nila ang
mga taong naiiba sa kanila o ang mga mas mababa ang antas sa lipunan. Isa na
dito ang diskriminasyon sa kababaihan kung saan hindi pantay ang kanilang
paningin sa mga babae dahil para sa kanila ang mga babae ay mahina. Ngunit
paano natin masasabi na ang babae ay mahina na kung kahit sa kabila ng lahat ng
pag-aabuso na kanilang nararanasan ay
kinaya pa rin nila mabuhay at patunayan na sila rin ay may malayong marating sa
buhay? Dapat natin huwag husgahan ang pisikal na anyo ng isang tao dahil hindi
sa lahat ng panahon na ito ang nagbibigay lakas sa isang tao. Minsan nasusukat
din ang pagkakalakas ng isang tao kung matibay ang kanilang puso na hindi
madaling mawawasak sa kabila ng lahat ng mga masasakit at mapapait na
karanasan. Sa mga matatanda at mga mahihirap naman ay walang tayong karapatan
na ipagmaliit sila dahil sila rin ay nagporsigi para mabigyan ng sapat na
pagkain at mga pangangailangan ng kanilang pamilya. Kung tatanawin natin karamihan
sa kanila yung nagtatrabaho para sa ating lipunan ngunit ganito lang ang ating
pagtrato sa kanila? Huwag po sana tayong mag estereotipo na nagbabase lamang
tayo sa kung ano ang nakikita natin dapat natin unawaan ang kanilang sitwasyon
at bigyan sila ng pagkakataon na ipapapkita ang kanilang kakayahan sa lipunan. Bigyan
natin sila ng opportunidad na magsilbi sa ating lipunan at magbigay tayo ng
respeto dahil sa kabila ng kanilang sitwasyon handa silang nagsasakripisyo para
sa kanilang hinaharap at pamilya.
Marami ng batas na itinupad ng gobyerno upang protektahan
ang mga taong nakaranas ng diskriminasyon. Ang Anti- Discrimination Act of 2011
ang nabibigay ng proteksyon sa mga taong ito dahil ang layunin ng batas na ito
ay bigyan ng hustisya yung mg atong minamaliit base sa kanilang anyo,
sexualidad, edad at ang antas sa lipunan. Bilang isang mamamayan at kapwa tao
dapat natin ito susundin hindi dahil ito ay naging batas ngunit dapat
nakakakubli sa ating puso ang pagmamalasakit at pagmamahal sa ating kapwa tao.
Ang paglalaban para sa mga taong ito kung sila’y minamaliit o sinasaktan ay
nagbibigay ng matinding inspirasyon sa lahat ng tao na sa ating lipunan lahat
tayo ay may karapatan at pantay-pantay ang pagtrato natin sa bawa’t isa.
No comments:
Post a Comment